SMASHING VICTORY. Baguhan man sa larong Lawn Tennis, napatrunayan agad ni Alvin Azarcon (above) na hindi dapat minamaliit ang mga nag-uumpisa pa lamang. |
Hindi nadepensahan ng Central Luzon
State University (CLSU) at Tarlac State University (TSU) ang mga hampas na
pinakawalan ng BulSU gold gears Men and women’s doubles, dahilan upang mabawi
muli ang gintong medalya at mahirang bilang kampeon sa larong Lawn Tennis,
Tarlac State University, Disyembre 16-21.
Pinatunayan ng baguhan na sina Alvin Azarcon at Ronell de
Guzman na kayang kaya nilang hatakin pabalik ang korona laban sa Central Luzon
State University (CLSU) men’s doubles, 8-6 ang naging resulta ng labanan kaya
naman dali-dali silang umakyat sa unang pwesto upang ipagmalaki ang karangalang
nakamit.
“Masaya ako kasi first timer ako tapos naibigay ko kaagad
ang karangalan sa eskwelahan. Hindi ko alam kung maituturing ba ‘kong isang
factor sa pagkapanalo ng team, pero para sa’kin naibigay namin ‘yong best namin
sa training kaya kami nanalo,” ani Alvin Azarcon, isa sa mga manlalaro sa Men’s
doubles.
Samantalang hindi pinagpawisan at nag-aatubili namang tinapos
nina Maria Eloisa Bulan at Ronalisa Fontanilla ang laban sa Tarlac State University
(TSU) sa iskor na 8-5. Pinatunayan nila na gold gears pa rin ang reyna
pagdating sa Women’s doubles ng lawn tennis.
Ayon kay Ronalisa Fontanilla, “ Masaya kami kahit na parang
hindi kami satisfied sa game kasi dalawa lang ‘yong nakalaban namin tapos ayon
championship na. Ganunpaman natutuwa pa rin kami kasi kami ‘yong magrerepresent
sa school natin para sa regional tournament”.
Hindi man pinalad sa men and
women singles, labis pa rin
kagalakan ng mga manlalaro gayundin ang kanilang mga tagasanay nang masungkit
muli nila ang gintong medalya. Sa ngayon, patuloy pa rin ang pag-eensayo ng mga
manlalaro para sa nalalapit na regional tournament na gaganapin sa Ilo-ilo
City.
No comments:
Post a Comment