Muling
naghari ang Bulacan State University Tankers at nag-uwi ng mga ginto sa
pagdepensa ng ikalabing pitong pamamayagpag bilang kampeon ng BulSU Gold Gears
sa taunang State Universities and Collges (SUC) Olympics sa Tarlac State
University, Disyembre 16-21.
Nag-ahon
ng 33 ginto, 13 pilak at 6 na tanso na may kabuuang 52 medalya ang BulSU
Tankers na gumuhit ng malaking agwat sa 12 pang paaralang katunggali.
Lumambat
naman ng pinakamaraming ginto si Michael Romiro Godoy pati na rin sa kanyang
mga indibidwal na kategoryang nilahukan, kasama naman sina Rolando Pablo Godoy,
Benedict Jason Lastrollo at Kendren Romeo Reyes sa paglangoy sa unang pwesto ng
4x100m Medley at 4x100m Relay.
“Natuwa
ako sa nagging resulta na laro ko kasi hindi lang naman gold ang target ko,
kundi pati na rin ma-break ‘yong record ko at nagawa ko naman,” ani South East
Asia( SEA) Games bronze medalist, Michael Godoy.
Hindi
rin nagpahuli ang mga Lady Tankers at nag-reyna sila sa Swimming Women Category.
“Nakita
naman natin ang resulta ‘di ba? We
deserved it because we labored it. Taon kung mag-practice ang mga atleta
natin,” pahayag ni Dr. Racquel Mendoza, dekana ng College of Physical Education, Recreation and Sports
(COPERS).
Masiglang
sumagot ang kanilang coach na si Rafael Celso, dahil sa pupspusan nilang
pagsasanay ay nagbunga ito ng magandang resulta na ipininagmamalaki niya.
“Syempre
Masaya tayo kasi nagbunga talaga ng pinaghihirapan natin. ‘Yang mga batang
iyan[Tankers] eh talagang determinado hindi lang basta manalo kundi malampasan
pa ang kanilang record. Isa pa, tlento talaga nila ang nagdala sa kanila sa
tagumpay,” pahayag ni Coach Celso.
Sasabak
muli sa languyan ang Tankers bilang kinatawan ng buong Rehiyon III sa SUC’S
National Level na gaganapin sa Ilo-ilo sa darating na Pebrero 17-26.
No comments:
Post a Comment