Muling sinungkit ng Bulacan State
University (BulSU) Badminton team ang karangalan matapos itong mag-uwi ng anim na
gintong medalya sa nakaraang State, Universities and Colleges (SUCs) III Olympics na
ginanap sa Tarlac State University ( TSU0, Disyembre
16-17.
Sa men’s
division, nagwagi sa unang pwesto sina Godigarion Pasakdal at Jope Cloe
Bautista, matapos impalas ang kanilang husay sa paglalalro. Subalit
hindi naman pinalad ang BulSU Badminton team sa larong singles nang
angkinin ng Ramon Magsaysay Technological University ang unang pwesto sa
katauhan ni Karl Angelo Ganabe.
Namayagpag naman ang
BulSU team sa women’s division
nang sungkitin nina Kathleen Blatbat at Joymie Fernando ang gintong medalya para
sa doubles. Si Angelica Panotes naman nag nagpakitang gilas sa singles
kung saan nag-uwi ito ng
pilak na medalya.
“Maganda ‘yong naging
result ng competition kahit na may dalawang nalaglag[players]. But
still we are the overall-champion. Most of my players did their best.”, ani
Coach Anthony Antonio, BulSU Badminton team.
Sina Godigorio
Pasakdal at Joymie Fernando naman ng
BulSU team ang itinanghal na kampeonado sa mixed doubles.
Dahil sa impresibo at
dominanteng laro muling magpapakitang-gilas ang koponan ng BulSU
Badminton team sa National level ng SUC Olympics na gaganapin sa Ilo-Ilo.
No comments:
Post a Comment