Kampeonato
sa ikaapat na pagkakataon ang muling inangkin ng Bulacan State State
University (BulSU) Football Team matapos pauwiing talunan ang kanilang mga
nakalaban sa nakaraang State Universities and Colleges Athletic
Association (SCUAA), Disyembre 21
Buong
lakas na sinipa sa pagkatalo ng mga BulSUan ang apat na unibersidad na kanilang
nakatunggali nang magtala sila ng kabuuang 43 goals, dahilan para masungit ang
tropeo sa apat na araw ng kompetisyon.
Walang
nagawang puntos ang Philippine Merchant Marine Academy sa unang
pagsabak sa laban nang salubungin sila ng tambak na iskor ng BulSU, 13-0.
Hindi
rin nakaligtas sa bangis ng nagwaging Football Team ang Nueva Ecija University
of Science and Technology at Tarlac State University sa iskor na 6-2 at 16-0,
pabor sa BulSU.
Kahit
isang puntos ay wala ring natikman ang Central Luzon State University matapos
paluhain ng BulSU sa huling araw ng kompetisyon, 8-0
“Train
hard, play easy, ‘yan ang motto
ng team,” ani BulSU Football Team coach Emmanuel Robles.
No comments:
Post a Comment