Wednesday, March 14, 2012

Gold gears pinasiklab ang hampasan sa Lawn Tennis ni Rochelle Placino


SMASHING VICTORY. Baguhan man sa larong Lawn Tennis, napatrunayan agad
 ni Alvin Azarcon (above) na hindi dapat minamaliit ang mga nag-uumpisa pa lamang. 
Hindi nadepensahan ng Central Luzon State University (CLSU) at Tarlac State University (TSU) ang mga hampas na pinakawalan ng BulSU gold gears Men and women’s doubles, dahilan upang mabawi muli ang gintong medalya at mahirang bilang kampeon sa larong Lawn Tennis, Tarlac State University, Disyembre 16-21.

Pinatunayan ng baguhan na sina Alvin Azarcon at Ronell de Guzman na kayang kaya nilang hatakin pabalik ang korona laban sa Central Luzon State University (CLSU) men’s doubles, 8-6 ang naging resulta ng labanan kaya naman dali-dali silang umakyat sa unang pwesto upang ipagmalaki ang karangalang nakamit.

“Masaya ako kasi first timer ako tapos naibigay ko kaagad ang karangalan sa eskwelahan. Hindi ko alam kung maituturing ba ‘kong isang factor sa pagkapanalo ng team, pero para sa’kin naibigay namin ‘yong best namin sa training kaya kami nanalo,” ani Alvin Azarcon, isa sa mga manlalaro sa Men’s doubles.

Samantalang hindi pinagpawisan at nag-aatubili namang tinapos nina Maria Eloisa Bulan at Ronalisa Fontanilla ang laban sa Tarlac State University (TSU) sa iskor na 8-5. Pinatunayan nila na gold gears pa rin ang reyna pagdating sa Women’s doubles ng lawn tennis.

Ayon kay Ronalisa Fontanilla, “ Masaya kami kahit na parang hindi kami satisfied sa game kasi dalawa lang ‘yong nakalaban namin tapos ayon championship na. Ganunpaman natutuwa pa rin kami kasi kami ‘yong magrerepresent sa school natin para sa regional tournament”.

Hindi man pinalad sa men and women singles, labis pa rin kagalakan ng mga manlalaro gayundin ang kanilang mga tagasanay nang masungkit muli nila ang gintong medalya. Sa ngayon, patuloy pa rin ang pag-eensayo ng mga manlalaro para sa nalalapit na regional tournament na gaganapin sa Ilo-ilo City.

BuLSU Football Team nagpasiklab sa SCUAA ni Arna Catel Coronel


Kampeonato sa ikaapat na pagkakataon ang  muling inangkin ng Bulacan State State University (BulSU) Football Team matapos pauwiing talunan ang kanilang mga nakalaban sa nakaraang State Universities and Colleges Athletic  Association (SCUAA),  Disyembre 21

Buong lakas na sinipa sa pagkatalo ng mga BulSUan ang apat na unibersidad na kanilang nakatunggali nang magtala sila ng kabuuang 43 goals, dahilan para masungit ang tropeo sa apat na araw ng kompetisyon.

Walang nagawang puntos  ang Philippine Merchant Marine Academy sa unang  pagsabak sa laban nang salubungin sila ng tambak na iskor ng BulSU, 13-0.

Hindi rin nakaligtas sa bangis ng nagwaging Football Team ang Nueva Ecija University of Science and Technology at Tarlac State University sa iskor na 6-2 at 16-0, pabor sa BulSU.

Kahit isang puntos ay wala ring natikman ang Central Luzon State University matapos paluhain ng BulSU sa  huling araw ng kompetisyon,  8-0

“Train hard, play easy, ‘yan ang motto ng team,” ani BulSU Football Team coach Emmanuel Robles.

BulSU Badminton pumalo para sa Ginto ni Katherine Mae Corbillon


Muling sinungkit ng Bulacan State University (BulSU) Badminton team ang karangalan matapos itong mag-uwi ng anim na gintong medalya sa nakaraang State, Universities and Colleges (SUCs) III Olympics na ginanap sa Tarlac State University ( TSU0, Disyembre
16-17.

Sa men’s division,  nagwagi sa unang pwesto sina Godigarion Pasakdal at Jope Cloe Bautista, matapos impalas ang kanilang husay sa paglalalro. Subalit hindi naman pinalad ang BulSU Badminton team sa larong singles nang angkinin ng Ramon Magsaysay Technological University ang unang pwesto sa katauhan ni Karl Angelo Ganabe.

Namayagpag naman ang BulSU team sa women’s division nang sungkitin nina Kathleen Blatbat at Joymie Fernando ang gintong medalya para sa doubles. Si Angelica Panotes  naman nag nagpakitang gilas sa singles kung saan nag-uwi ito ng pilak na medalya.

“Maganda ‘yong naging result ng competition kahit na may dalawang nalaglag[players]. But still we are the overall-champion. Most of my players did their best.”, ani Coach Anthony Antonio, BulSU Badminton team.

 Sina Godigorio Pasakdal  at Joymie Fernando naman ng BulSU team ang itinanghal na kampeonado sa mixed doubles.

Dahil sa impresibo at dominanteng laro muling magpapakitang-gilas ang koponan ng BulSU Badminton team sa National level ng SUC Olympics na gaganapin sa Ilo-Ilo.

BulSU Sepak Takraw, dinomina ang SCUAA Ni Sharmaine Abaro


Baon baon ang tiwala at galling sa isa’t isa, muling pinatunayan ng Bulacan State University (BSU) Sepak Takraw Team na karapat dapat silang hirangin bilang kampeyon sa naganap na State College and University Athletic Association(?) (SCUAA) sa Tarlac State University (TSU), December 16, 2011.

Ito na nag ika-sampung taon na dinomina ng BSU Sepak Takraw ang nasabing patimpalak.
Nakalaban at aminadong hindi sila (BSU Sepak Takraw) sa elimination round ang PhilSCA at DHAVTSU, samantalang pagdating ng Cross Over kung saan hinarap ng BSU ang Bataan Peninsula State University at TSU naman sa championship ay inaming na pressure at nahirapan ang mga ito (BSU).

Sa 1st regu ng championship, dalawang sets lamang ang nakuha ng BSU habang pagdating ng 2nd regu, umabot sa 3rd set ang laban ng mga ito (BSU) sa TSU na nagresulta naman sa iskor na ( para sa TSU at 15 sa BSU na siyang dahilan upang hirangin ito bilang kampeyonato.

“Natutuwa kami kasi yung consistency ng pagiging champion ay nandun pa rin, kasi ginagawa namin, nung mga bata, yung best naming para ditto (sa laro),” pahayag ni Mr. Raul Bernaldez, trainor ng grupo.

Bilang hinirang na kampeton, nag BSU Sepak Takraw Team ay lalaban muli para sa National SCUAA na gaganapin naman sa Iloilo City sa February 17-27.

BulSU Tankers muling pumaibabaw sa languyan ni Micah Jenessa Cruz


Muling naghari ang Bulacan State University Tankers at nag-uwi ng mga ginto sa pagdepensa ng ikalabing pitong pamamayagpag bilang kampeon ng BulSU Gold Gears sa taunang State Universities and Collges (SUC) Olympics sa Tarlac State University, Disyembre 16-21.

Nag-ahon ng 33 ginto, 13 pilak at 6 na tanso na may kabuuang  52 medalya ang BulSU Tankers na gumuhit ng malaking agwat sa 12 pang paaralang katunggali.

Lumambat naman ng pinakamaraming ginto si Michael Romiro Godoy pati na rin sa kanyang mga indibidwal na kategoryang nilahukan, kasama naman sina Rolando Pablo Godoy, Benedict Jason Lastrollo at Kendren Romeo Reyes sa paglangoy sa unang pwesto ng 4x100m Medley at 4x100m Relay.

“Natuwa ako sa nagging resulta na laro ko kasi hindi lang naman gold ang target ko, kundi pati na rin ma-break ‘yong record ko at nagawa ko naman,” ani South East Asia( SEA) Games bronze medalist, Michael Godoy.

Hindi rin nagpahuli ang mga Lady Tankers at nag-reyna sila sa Swimming Women Category.
“Nakita naman natin ang resulta ‘di ba? We deserved it because we labored it. Taon kung mag-practice ang mga atleta natin,” pahayag ni Dr. Racquel Mendoza, dekana ng College of Physical Education, Recreation and Sports (COPERS).

Masiglang sumagot ang kanilang coach na si Rafael Celso, dahil sa pupspusan nilang pagsasanay ay nagbunga ito ng magandang resulta na ipininagmamalaki niya.
“Syempre Masaya tayo kasi nagbunga talaga ng pinaghihirapan natin. ‘Yang mga batang iyan[Tankers] eh talagang determinado hindi lang basta manalo kundi malampasan pa ang kanilang record. Isa pa, tlento talaga nila ang nagdala sa kanila sa tagumpay,” pahayag ni Coach Celso.

Sasabak muli sa languyan ang Tankers bilang kinatawan ng buong Rehiyon III sa SUC’S National Level na gaganapin sa Ilo-ilo sa darating na Pebrero 17-26.